Mga Political Analyst, Kontento Sa Naging Takbo Ng Eleksyon

8

MANILA – Kuntento ang political analyst na si Prof. Ramon Casiple sa naging takbo ng isinagawang eleksyon.Sa interview ng RMN kay Casiple, sinabi nito na hindi naging isyu ang kredibilidad ng halalan lalo na’t kitang-kita ang naging resulta kung saan nangunguna sa botohan si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.Ayon kay Casiple, mabilis ang transmission at walang malalaking problemang naranasan sa mismong araw ng botohan.Bagamat may mga naitalang election related violence, sinabi ni Casiple na normal lamang ito, batay na rin sa kanilang monitoring tuwing may eleksyon.Hindi na rin ikinagulat ni Casiple ang mataas na voters turnout na umabot sa mahigit 43 milllion mula sa 55 million registered voters.

Facebook Comments