
Hiniling ni Senior Citizens Party-list Representative Rodolfo Ordanes sa Department of Budget and Management (DBM) na tukuyin ang mga pondo sa ilalim ng 2026 National Budget na maaaring gamitin sa fuel subsidies at emergency cash assistance.
Diin ni Ordanes, may mga pondo sa pambansang budget na discretionary, contingency, at unprogrammed.
Ayon kay Ordanes, ang nabanggit na mga alokasyon ay maaaring gamitin para maibsan ang matinding epekto sa ekonomiya ng bansa at mamamayan ng pandaigdigang krisis sa langis.
Apela ni Ordanes sa DBM na makipag-ugnayan agad sa Kamara at Senado kung kailangan ng congressional authorization para mailipat ang nabanggit na mga alokasyon.
Bukod dito, pinabibilisan din ni Ordanes ang implementasyon ng mga programa ng gobyerno lalo na ang mga dapat simulan sa pagitan ng Abril hanggang Hunyo at bago ipatupad ang election spending ban.
Paliwanag ni Ordanes, kapag naantala ang implementasyon ng mga proyekto ay nawawala ang tulong na kailangan ng ekonomiya para makayanan ang mga financial shocks.










