Mga pork products na iuuwi ng mga pasahero sa mga probinsiya, kukumpiskahin ng mga otoridad

Dahil sa banta ng African Swine Fever lalo na ngayong Undas, mahigpit na sinisiyasat ng mga otoridad ang mga dalang gamit ng mga pasaherong pauwi sa iba’t ibang probinsya.

Maliban sa matutulis na bagay, kukumpiskahin na rin ang anuman pork product na dadalhin ng mga pasahero.

Ayon sa Department of Agriculture, layon nitong maiwasan ang pagkalat ng sakit ng ASF.


Posible kasing maging carrier ang mga tao ng ASF sa mga baboy.

Facebook Comments