Manila, Philippines – Nakahanda ang mga portalet sa loob ng sementeryo na gagamitin ngayon undas.
Ayon kay MNC Administrator Daniel Tan 15 portalet ang nakakalat sa loob ng MNC at 100 wheelchair naman ang naka antabay sa lahat ng mga senior citizen at mayroong mga kapansanan na hindi kayang mag ikot sa naturang sementeryo.
Paliwanag ni Tan pinagbabawalan na rin ang mga paglilibing at pagpipintura sa naturang sementeryo simula ngayon araw.
Giit ni Tan una na itong inanunsyo na binigyan sila ng deadline sa paglilinis at paglilibing kayat sa gate pa lamang ng MNC ay kukumpiskahin ang mga matatalas at gamit sa pagpipintura.
Facebook Comments