Ihahayag na mamayang hapon ng opposition coalition na 1Sambayan ang anim na kandidatong kanilang pagpipilian para suportahan sa presidential at vice-presidential bets sa 2022 national elections.
Ayon kay Atty. Howard Calleja, isa sa co-convenors ng koalisyon, inaasahang alas dos mamayang hapon nila ihahayag ang listahan ng mga nominado para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
Ang mga ito aniya ay kanila nang nakausap at sumang-ayon sila sa prisipyo na kailangang magkaisa-isa, kailangan isa lang ang kandidato sa presidente at bise presidente at sila’y sumasama at nakikilahok sa proseso at magrerespeto sa kung ano man ang resulta ng proseso.
Nabatid na kabilang sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Sen. Grace Poe, at dating Senador Antonio Trillanes IV sa ikino-konsidera ng grupo na kanilang susuportahan sa 2022 national elections.
Marso ngayon taon ng ilunsad ang 1Sambayan ng ilang personalidad sa politika at mga dating senior government officials tulad nina dating Ombudsman Conchita Carpio Morales, former Senior Associate Justice Antonio Carpio, at former foreign affairs chief Albert del Rosario.