Nanawagan ang Party-list Coalition Federation Inc. (PCFI) sa dalawang uupong Speaker sa 18th Congress na sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na huwag nang baguhin ang chairmanship sa mga komite.
Ayon kay PCFI President at 1-Pacman Rep. Mikee Romero, mahihirapan lamang ang buong Kamara sa kanilang legislative agenda kapag babaguhin pa ang committee chairmanship sa oras na magkaroon na ng transition sina Cayetano at Velasco.
Kung silang mga kongresista ang tatanungin, mas maganda kung gawing consistent lamang ang mga nakaupong chairman sa 75 komite sa loob ng tatlong taon para tuluy-tuloy at matiwasay ang trabaho sa kapulungan.
Nauna nang sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na nakakaranas ng delay ang organization sa Kamara dahil sa speakership issue.
Kaunting na lamang din aniya ang nalalabing oras bago mag convene ang 18th Congress kaya dapat maplantsa na ang mga uupo sa bawat komite.