Iginiit ng Commission on Elections (Comelec) na ang mga potensyal na kandidato sa nalalapit na 2022 National at Local Elections ay may moral obligation na iwasan ang premature campaigning at ealy campaign spending.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, hindi dapat kinukunsinte ng mga kandidato ang sinumang nagsasagawa nito para sa kanila.
Dagdag pa ni Jimenez, ang mga botante ay may kapangyarihang itigil ang mga ganitong aktibidad.
Sa ilalim ng Republic Act 9369 o Poll Automation Law, ang sinumang indibiduwal na maghahain ng certificate of candidacy (COC) ay ikokonsidera lamang kandidato sa simula ng campaign period.
Facebook Comments