San Luis, Pampanga – Milyon-milyong piso na ang nalulugi sa mga negosyante ng manukan sa Barangay San Carlos dahil sa bird flu outbreak.
Ayon kay Alex Panlilio, pumapatak sa halos limang milyong piso ang nawawala sa kaniya simula noong nakaraang Biyerenes dahil ibinawal na ang paglalabas ng mga poultry products.
Sa loob ng isang linggo ay nasa 200,000 na piraso na itlog ng itik ang naibebenta ni Panlilio pero dahil sa bird flu outbreak, 15,000 kada araw ang lugi niya.
Probelamado si Panlilio na mahirapan silang makabangon agad sa negosyo. Hindi aniya sapat ang soft loan na 20,000 ng gobyerno para makapagsimula muli lalupa’t milyong piso ang nawala sa kanila.
Facebook Comments