Mga poultry product na galing China, nadiskubre sa sinalakay na mga warehouse sa Navotas

Sinalakay ng pinagsanib na pwersa ng National Meat Inspection Service (NMIS) at Inspectorate and Enforcement (IE) office ng Department of Agriculture ang dalawang warehouse sa Navotas City.

Ang mga nasabing warehouse na matatagpuan sa Francisco Street sa San Rafael Village ay pawang mga naglalaman ng poultry products.

Kabilang dito ang mga black chicken at pecking ducks kung saan nadiskubre rin na nag-iimbak ito ng imported na mga isda.


Nabatid na ilan sa mga nabanggit na produkto ay nangangamoy na at sinusubukan pang i-repack.

Napag-alaman ng DA na pawang galing ng bansang China ang mga produkto na iligal o pinuslit papasok ng Pilipinas.

Inaalam na kung sino ang may-ari ng nasabing produkto at kung nailabas na ang ilan sa mga ito sa merkado o sa mga restaurant.

Facebook Comments