Mga power cooperative, pinaghahanda ng NEA sa pananalasa ni bagyong Ambo

Inatasan na ng National Electrification Administration (NEA) ang lahat ng Electric Cooperatives (ECs) na magpatupad ng contingency measures para paghandaan ang pananalasa ng bagyong Ambo.

Sa inilabas na advisory ng Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) ng NEA, inoobliga nito ang 121 ECs na i-activate ang kanilang Emergency Response Organization.

Dapat magkaroon ng emergency response plans ang mga kooperatiba sa posibleng epekto ng bagyo sa power distribution facilities.


Pinayuhan din ang mga electric cooperatives na i-monitor ang weather updates  mula sa PAGASA at iulat  sa NEA ang  lahat ng maaapektuhang pasilidad.

Facebook Comments