Mga power plant na 16 na taon na ang tanda, pinapapalitan na ng ERC

33

Nanawagan ang Enery Regulatory Commission (ERC) na palitan na ang mga planta ng kuryente na mahigit 16 na taon nang nag-o-operate.

Kasunod ito ng ipinatupad na power outages ng ilang mga planta na hindi aprubado ng Department of Energy (DOE).


Sabi ni ERC chairperson Atty. Agnes Devanadera, 70% ng mga power plants sa bansa ay medyo may edad na at hindi na kayang maisaayos sa pamamagitan lamang ng rehalibitasyon.

Aniya, ang mga planta ay gaya rin ng tao na kapag tumatanda ay bumababa ang productivity.

Facebook Comments