Mga power transmission lines ng NGCP, nanatiling normal sa kabila ng 6.6 magnitude na lindol sa Davao Occidental

Walang naitalang pinsala sa anumang transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ito’y sa kabila ng 6.6 magnitude na lindol na tumama sa karagatan sakop ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental kaninang umaga.

Ayon sa NGCP, nananatiling normal ang power transmission services sa buong Davao region.


Ayon pa sa NGCP, walang naitatalang power interruption sa mga lugar sa hanggang ngayong hapon.

Una na ring naglabas ng ‘no tsunami threat’ advisory ang PHIVOLCS kasunod ng magnitude 6.6 na lindol sa karagatang bahagi ng Sarangani kaninang alas 9:47 ng umaga.

Facebook Comments