Inilatag na ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang tatlong priority agenda ng kamara para sa pagbubukas sesyon ng kongreso sa Nobyembre 4.
Una sa prayoridad ng kamara ang paghahanda sa bicam para sa 2020 budget dahil may mga ahensya na dapat madagdagan ang pondo at ilan pang amendments na ipapasok nila sa budget.
Ayon kay Cayetano, nagpapatuloy ang ugnayan nila ng mga Senador sa mga pagbabagong gagawin sa bicam upang mapabilis ang pagpasa sa pambansang pondo sa susunod na taon.
Ikalawa sa prayoridad ng Kamara ay ang pagpasa ng mga revenue bills o ang mga tax reform packages ng administrasyon na layong pondohan ang mga programa ng pamahalaan.
Pangatlo sa tututukan ng mababang kapulungan ay ang social services program gaya ng conditional cash transfer program na nais nilang gawin na unconditional cash transfer program para lahat ng mga pinaka-nangangailangan na mga Pilipino sa buong bansa ay makikinabang dito.