Manila, Philippines – Tinukoy din ni respondent-turned witness Marc Anthony Ventura ang mga miyembro ng Aegis Juris na present sa pagpupulong sa Cubao, Quezon City.
Sa naturang pagpupulong, pinag-usapan ng grupo kung papaano nila ipagtatapat sa mga magulang ni hazing victim Horacio Castillo III ang masamang sinapit nito sa initiation rites.
Sa affidavit ni Ventura, inamin nito na kasama siya sa Cubao meeting gayundin sina alyas Marvi, alyas Gem, Henry Pablo Jr., Brian Bangui, Milfren Alvarado, Manny Ventura, Ralph Trangia, Mhin Wei Chan, Oliver Onofre, Axel Hipe, Marcelino Bagtang, Edric Pilapil, Zach Abulencia, Daniel Ragos at ilan pang hindi niya maalala.
Facebook Comments