Mga preso na nagsumbong ukol sa hospital pass for sale, planong paharapin sa Senado

261

Manila, Philippines – Maliban sa Good Conduct Time Allowance o GCTA for sale sa New Bilibid Prison (NBP) ay ilang preso naman ang nagsumbong kay Senator Christopher Bong Go hinggil sa hospital pass for sale.

Kaugnay nito ay gusto ni Senator Go na ipatawag sa pagdinig ng Senado ang high profile inmate sa Bilibid na nagbigay sa kanya ng impormasyon ukol sa hospital pass for sale.


Pero ayon kay Go, kailangan niya munang masigurong na handa itong magsalita sa Senate hearing.

Diin ni Go, kailangang masilip ang modus na ito dahil kahit walang sakit ay nagpapa-confine ang mga high profile na bilanggo para sa maisakatuparan ang kanilang iligal na gawain.

Ayon kay Go, nakikipagsabwatan sa mga mga doktor at mga hospital staff ang mga tiwaling bilanggo na karamihan ay mga drug convicts at mga drug lords para sa kanilang pagsasakit-sakitan.

Facebook Comments

From Advertisers