Mga preso sa Malabon City Jail, nagsasagawa ng noise barrage

Nagpapatuloy ang isinasagawang noise barrage ng mga preso sa Malabon City Jail sa Barangay Catmon.

Viral ngayon sa social media ang sabay-sabay na pag-iingay ng mga preso.

Ayon kay Chief Inspector Jayrex Bustinera, Spokesperson ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ang mga preso ay nagpoprotesta sa pamamalakad ng jail warden sa naturang jail facility.


Sa ngayon ay nagpadala na ng mga police personnel sa paligid ng city jail para sa anumang maaring idulot ng ginagawang pag-iingay ng mga preso.

Facebook Comments