Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ang manhunt operation sa mga bilanggong nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) na hindi sumuko.
Ito ay matapos mapaso kahapon ang itinakdang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte para sila ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad.
Ayon kay PNP spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac – ang mga tracker teams na magsasagawa ng operasyon ay pangungunahan ng PNP-CIDG at PNP-SAF.
Walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao sa mga operasyong ikakasa para mahuli ang mga hindi susukong convicts.
Babala ng PNP, kakasuhan ang mga magkakanlong ng mga convict.
Facebook Comments