Mga presong pinalaya sa GCTA, ikukunsidera ng PNP na “fugitives”

Ikukunsidera ng PNP na “fugitives” ang halos 2,000 presong pinalaya dahil sa Good Conduct Time Allowance o GCTA.

Ayon kay PNP Chief at Police General Oscar Albayalde, kung sakaling ma-invalidate ang release order para sa mga ito, maaaring ipatupad ang warrantless arrest laban sa mga ito.

Sinabi ng PNP chief na handa silang makipagtulungan sa Bureau of Corrections para ma-account ang lahat ng mga pinalayang preso kung kakailanganin na ibalik sa kulungan ang mga ito.


Kasalukuyan aniyang sinusubaybayan ng PNP ang “developments” sa isyung ito, at handa silang tumalima sa anumang kautusan ng mga nakatataas kaugnay ng usaping ito.

Magugunitang kinuwestyon ng ilang mga mambabatas ang pagpapalaya sa mga nahatulan sa heinous crimes, gayung sinasabi na hindi kwalipikado ang mga ito sa GCTA.

Facebook Comments