
Posibleng managot sa batas ang mga indibidwal na nagpapakalat at nagbabahagi ng fake news, ayon sa Malacañang.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi sapat na depensa ang “nag-share lang” kung alam o malinaw na peke ang impormasyong ipinakalat.
Dahil dito, pag-aaralan ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga hakbang upang mapanagot ang mga sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon, lalo na kung layunin nitong manira sa Pangulo at sa administrasyon.
Dagdag ni Castro, kahit naka-lock ang social media account, maaari pa ring matunton ang nagpakalat sa tulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT).
Aniya, may mga paraan upang matukoy ang tunay na pagkakakilanlan ng mga gumagamit ng pekeng pangalan o account.










