Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi pwedeng magtaas ng tuition ang mga pribadong eskwelahan sa papalapit na bagong school year.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, dapat may prosesong pagdadaanan ang mga paaralan para sa taas-singil.
Aniya, kailangang humingi at mag-apply ang mga ito sa DepEd Regional Directors at dapat ilahad ang katwiran kung bakit kailangan nilang itaas ang kanilang tuition.
Pero dinipensahan din ni Malaluan ang mga eskwelahan kung bakit hindi maaaring ibaba ang singil sa tuition.
Sinabi ni Malaluan na may mga gastos din ang mga paaralan sa pagpapatupad ng blended learning.
Nire-review na ng DepEd ang budget nito para matustusan ang pag-convert ng mga materyales tulad ng self-learning modules na kailangang i-print o para gawing digital format.