Mga pribadong establisyimento, magsudumite ng kani-kanilang assessment report kaugnay sa nangyaring lindol sa Mandaluyong

Magsusumite ng kani-kanilang assessment report ang mga pribadong establisyimento sa Mandaluyong City.

Kabilang dito ang mga mall, hotel, condominium at iba pang matataas na gusali na sakop ng lungsod partikular sa Ortigas Center.

Ayon sa Mandaluyong City Engineering Office, ito’y upang masukat ang tibay ng mga gusali kung saan susuriin din nila ang accelerograph o bilang ng paggalaw ng mga gusali kapag nagkakaroon ng lindol.


Wala naman nakitang sensyales na panganib sa mga pampublikong gusali tulad ng mga paaralan at ospital sa isinagawang inisyal na pagsisiyasat ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong.

Facebook Comments