Mga pribadong hospital, handa na sa posibleng ‘post holiday surge’ sa kaso ng COVID-19

Pinaghahandaan na ng mga pribadong hospital ang posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa pagkatapos ng holiday season.

Kasunod ito ng projection ng OCTA Research Group na papalo sa 480,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa sa pagtatapos ng taong ito.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc., President Jose de Grano, nasa mandato nila na dapat nasa 20% ang bed allocation para sa mga COVID-19 patients.


Samantala, kinumpirma ni Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians na handa rin ang mga health workers na tugunan ang pangangailangan ng tao sakaling magkaroon ng surge.

Kasabay nito, patuloy ang ginagawang paalala ng mga otoridad na panatilihing ligtas ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Facebook Comments