Mga pribadong kumpanya, pinapayagang bumili ng COVID-19 vaccines sa ilalim ng tripartite deal

Nilinaw ng Malacañang na pinapayagan ang mga pribadong kumpanya na bumili ng sarili nilang COVID-19 vaccines.

Nabatid na nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pamahalaan na payagan ang pribadong sektor kabilang ang mga malalaking kumpanya at negosyo na bumili ng sarili nilang bakuna.

Sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, pwedeng bumili ang mga kumpanya ng bakuna pero kailangan dumaan ito sa isang tripartite agreement sa pagitan ng national government at ng pharmaceutical company.


Iginiit ni Roque na wala pang COVID-19 vaccines na ibinebenta sa merkado.

Mayroong indemnification agreements kung saan aakuin ng pamahalaan ang responsibilidad para sa anumang adverse effect ng bakuna.

Facebook Comments