Mga pribadong ospital na hindi sumusunod sa direktibang magdagdag ng COVID beds, pinadalhan na ng warning ng DOH

Naipadala na ng Department of Health (DOH) ang warning o notice of 1st offense sa mga ospital na hindi sumunod sa pagdadagdag ng bed capacity sa kanilang COVID-19 wards.

Ito ang kinumpirma ni Private Hospitals Association of the Philippines President Dr. Jose de Grano kasabay ng pahayag na nagbigay na rin siya ng warning sa kanilang mga miyembro.

Ayon kay De Grano, kapag hindi pa rin sumunod at napadalhan na ng second offense warning ang kanilang mga kasaping private hospitals ay pagmumultahin na ang mga ito ng P20,000 at sa 3rd offense naman ay papatawan ng hiwalay na penalty.


Ang kautusan ng DOH sa private hospitals na pagdagdag ng COVID beds ay alinsunod sa Bayanihan To Heal As One Act.

Facebook Comments