Mga pribadong ospital na kakalas sa PhilHealth, nadagdagan pa

Nadagdagan pa ang mga pribadong ospital na nagbabalak kumalas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines, Inc (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano, inaasahang sa susunod na isa o dalawang linggo ay inaanunsyo ng ilang pribadong ospital mula sa Laguna, Quezon, Cavite at NCR ang hindi nila pag-re-renew ng accreditation sa PhilHealth.

Aniya, idinadaing ng mga ito ang kawalan ng kongkretong solusyon ng PhilHealth kaugnay sa unpaid COVID-19 claims.


Nauna nang isiwalat ng PHAPi na aabot sa P20 bilyon ang claims na hindi pa nababayaran ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.

Sinabi rin ni De Grano na tinatayang lima hanggang 10 porsyento ng mga nurse sa pribadong ospital sa bansa ang umalis na sa kanilang trabaho.

Facebook Comments