Mga pribadong ospital, napupuno dahil sa non-COVID diseases ayon sa PHAPi

Aminado ang Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) na unti unting napupuno ang mga ospital ngayon.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PHAPi President Dr. Rene de Grano na karamihan sa hospital admission ay non-COVID diseases.

Aniya, marami kasing may sakit tulad ng hypertension, diabetes, asthma, cancer ang napabayaan ang kanilang karamdaman higit 2 taon, kung kaya’t ngayon nila nararamdaman ang epekto nito.


Paliwanag pa ni De Grano na tulad dito sa Metro Manila ay nasa 50% ang itinaas sa hospital admission ng mga non-COVID patients habang sa Calabarzon partikular sa Quezon ay nasa 30%-40% ang itinaas ng hospital admission.

Samantala, sa ngayon nananatiling mababa ang admission para sa COVID cases.

Ani De Grano, mild na lamang ang epekto ng COVID-19 kaya’t nagse-self quarantine na lamang ang mga tinatamaan nito at hindi na kailangan pang i-admit sa ospital.

Facebook Comments