Nagbabala ang ilang grupo ng pribadong ospital na hindi na mag-re-renew ng akreditasyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa unpaid claims sa COVID-19 cases mula pa noong isang taon.
Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc,. (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano, ilang ospital na ang nag-iisip kung putulin na ang kanilang accreditation sa PhilHealth.
Aniya, walang ibinibigay na kongkretong solusyon hinggil dito ang PhilHealth sa nakaraang 2 o 3 buwan.
Una nang sinabi ni De Grano na pumalo na sa P834 million ang pagkakautang ng PhilHealth sa ilang pribadong ospital sa North Luzon, Iloilo at General Santos.
Facebook Comments