Halos kalahati na ng mga nurse sa pribadong ospital ang umalis na sa kanilang trabaho, simula nang pumutok ang COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPi) President Dr. Jose Rene de Grano kasunod ng panawagan sa Department of Health (DOH) na tulungan ang mga pribadong ospital sa bansa.
Ayon kay de Grano, sana’y ikonsidera ng DOH ang pagbibigay ng augmentation ng mga healthcare workers sa private health facilities lalo na’t hirap na sila.
Giit ni de Grano, pagputok ng COVID-19 surge noong buwan ng April ay nasa 5% hanggang 10% pa ng mga staff nurses ang umalis na rin sa mga private hospitals.
Batay sa PHAPi, ilan sa mga nurse na nag-resign ay pumasok sa mga government hospitals, nagpahinga at mayroon din nag-abroad.