Mga pribadong sasakyan na ginagamit bilang personal na sasakyan ng tao o produkto, kailangan nga bang lagyan ng “Not For Hire?”

Hindi na kailangang lagyan ng “Not for Hire” na signage ang mga pribadong sasakyan kapag ito ay ginagamit bilang personal na sasakyan ng tao o produkto ng may-ari.

Ito ang paliwanag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kasunod ng viral video ng traffic enforcer na sinita ang isang motorista na walang nakalagay na Not For Hire sa kaniyang sasakyan.

Pero ayon sa MMDA, kung ang sasakyan ay pinapaarkila o ginagamit sa pampasaherong biyahe, nangangailangan ito ng prangkisa mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Kung walang prangkisa, maaaring ituring ang sasakyan na colorum na may kaukulang parusa na nakapaloob sa Metro Manila Traffic Code at Joint Administrative Order (JAO) ng LTFRB at Land Transportation Office (LTO).

Ang traffic enforcer sa viral video ay sasampahan na rin ng MMDA ng kaso matapos masangkot din sa pangongotong noon.

Facebook Comments