Kasunod nang pag iral ng General Community Quarantine (GCQ) sa Metro Manila simula ngayong araw.
Balik kalsada narin ang mga pribado at pampublikong sasakyan with limited capacity.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Asec. Celine Pialago na base sa kanilang obserbasyon nagkaroon ng kalituhan ang mga pribadong sasakyan at sa katunayan ay tumukod ang traffic kanina dahil sa nasabing pagbabago sa sistema sa EDSA.
Ayaw kasing gamitin o daanan ng mga pribadong motorista ang yellow lane na nuo’y para sa mga pampublikong bus lamang nakalaan.
Ayon kay Pialago, simula ngayong araw, ang mga bus ay dadaan na sa pinaka kaliwang bahagi ng EDSA o katabi ng MRT habang ang iba pang linya ay gagamitin na ng mga pribadong sasakyan.
May mga enforcer naman aniya na tumulong upang maisaayos ang daloy ng mga sasakyan sa EDSA.
Samantala, ang mga bus augmentation at point-to-point buses ay magtutuloy tuloy ang byahe magmula North Avenue hanggang Ayala at ito ay mag u-unload o magpapababa ng pasahero sa may bahagi ng Taft Avenue.