Mga pribadong sector, tiwalang mapapaangat ni PBBM ang ekonomiya ng Pilipinas

Malakas at matatag ang tiwala ng mga pribadong sektor kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).

Ito ang inihayag ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo sa isinagawang 2023 Annual Meeting ng World Economic Forum sa Davos, Switzerland.

Sinabi ni dating Pangulong Arroyo na alam ng alam ni PBBM  na sa pag-unlad ng bansa napaka-importante ang pagsasama ng gobyerno at pribadong sektor.


Ang dating Pangulong GMA ay kabilang sa delegasyon ni Pangulong Marcos sa World Economic Forum.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang opening remarks sa high-level dialogue patungkol sa investing in infrastructure resilience na kinikilala nIya ang role ng private sector partners kaya inamyendahan niya ang Build-Operate-Transfer o BOT Law.

Samantala, sinabi pa ni dating pangulong GMA na kung paguusapan naman ang galing ng Pangulong Marcos Jr., sa pakikipag-dayalogo sa mga chief executive officers ng World Economic Forum.

Sinabi niyang western educated, matalino at articulate ang pangulong Marcos sa lenggwaheng English.

Facebook Comments