Patuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) sa mga armadong grupo na posibleng maghasik ng gulo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, sa ngayon ay may tinitignan silang 38 potensyal na private armed groups (PAGs) at isang aktibong PAG.
Mas bumaba na aniya ang bilang na ito kumpara sa dating mahigit 40 potential PAGs at dating tatlong aktibong PAGs.
May mga grupo na kasing nagsuko ng kanilang mga armas sa mga otoridad.
Samantala, sinabi ni Fajardo na kaya potensyal PAGs ang klaspikasyon ng mga ito ay dahil hindi sila aktibo o kaya naman ay nahuli na ang kanilang lider at ilang matataas na opisyal.
Facebook Comments