Mga private hospital, handa sakaling tumaas ang kaso ng monkeypox sa bansa

Bukod sa mga pampublikong pagamutan, nakahanda rin ang mga pribadong ospital sa bansa sakaling tumaas ang kaso ng monkeypox.

Ito ang tiniyak ni Private Hospitals Association of the Philippines Inc. President Jose Rene de Grano sa Laging Handa public briefing kahapon.

Ayon kay De Grano, handa na ang mga health care worker sa mga private hospital na asistihan ang mga matatamaan ng monkeypox kung saan nasabihan na ang mga ito sa tamang pagha-handle ng mga kaso.


Aniya, gagamitin nila ang kanilang COVID-19 quarantine facilities bilang isolation para sa mga matatamaan ng monkeypox.

May mga naka-antabay na rin aniya na mga personal protective equipment para sa mga health care worker.

Sa ngayon ay apat na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa bansa kung saan pinakahuli rito ang 25-anyos na pasyente mula sa Iloilo City.

Facebook Comments