Humihirit ang isang grupo ng mga security agency sa bansa na maisama sila sa pagbuo ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng isinusulong na Private Security Bill sa Kamara.
Ayon kay Neil Estrella, Chairman ng Private Security Industry Personnel Employees and Guards Credit Cooperative, halos doble ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police (PNP) at militar ang bilang ng mga security guards sa bansa.
Kung kaya’t lubhang mahalaga aniya na mapag-ukulan din ng pansin ang kondisyon ng employment ng mga sekyu at maitaas ang kalidad ng kanilang training.
Sa ilalim ng house bill, isinusulong ang pagpapatupad ng career opportunities at sa working conditions ng mga private security personnel.
Kabilang dito ang ladderized training at education na may subsidiya sa ilalim ng “study now, pay later” program.
Nakapaloob din dito ang mga penalty para sa mga paglabag sa Revised Penal Code.
Itinatalaga naman ang PNP Chief sa pagbuo ng IRR ng naturang proposed bill.