Nagpang-abot ang ilang mga pro-government at anti-Martial Law sa Plaza Miranda sa Quaipo, Maynila.
Dito ay nagkasagutan at nagkantiyawan ang magkabilang panig kung saan kapwa sila nagkasa ng rally kasabay ng paggunita ng ika-50 anibersaryo ng pagdeklara ng Martial Law.
Nanguna sa panig ng pro-government ang mga miyembro ng Yakap ng Magulang Philippines sa pamumuno ni Ginang Relissa Lucena.
Habang sa panig ng mga militante ang Bayan Southern Tagalog kasama ang ilang grupo na hindi pumapabor sa kasalukuyang administrasyon.
Kaniya-kaniyang pahayag ang mga pro at anti kung saan todo bantay naman ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para maiwasan na magkagulo.
Maayos naman napag-hiwalay ang magkabilang panig habang nagdagdag naman ng tauhan ang MPD para masiguro ang seguridad.