Mga pro at anti sa tobacco tax bill, nangalampag sa labas ng Senado

Muling nangalampag sa labas ng Senado ang sin tax coalition para ipanawagan ang pagpasa sa Tobacco Tax Bill.

Ang grupo ay binubuo ng mga doktor, health workers, health advocates at organisasyon ng mga kabataan at manggagawa.

Ayon kay Dr. Tony Leachon – bukod sa mapapababa ang smoking-related diseases dahil sa inaasahang pagkonti ng mga maninigarilyo lalaki pa ang pondo para sa Universal Health Care Program.


Kung iaasa lang kasi aniya sa pondo ng gobyerno, malabong matugunan ang nasabing programa.

Kaugnay nito, umapela si Leachon kay Senate Ways and Means Committee Chairman Sonny Angara na ipasa na ang panukala para pagdating ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte handa na ang pondo at hindi lang ito basta isang pangako.

Samantala, sumugod din sa labas ng gate ng Senado ang mga tutol sa panukalang batas gaya ng mga magsasaka na posibleng maapektuhan ng pagtataas ng buwis sa sigarilyo.

Ngayong araw, ipinagpapatuloy ng Senado ang pagdinig sa panukala na layong taasan ng P60 ang buwis sa kada pakete ng sigarilyo.

Facebook Comments