Mga pro-BBM supporter, nagtitipon-tipon sa People Power monument

Nagsimula nang magtipon-tipon sa People Power monument ang mga pro-BBM group ngayong araw.

Nasa 60 na mga grupo na nagmula sa parallel groups o mga grupong sumuporta kay PBBM noong 2022 Elections at nanatiling suportado ang pangulo sa kabila ng umiigting na bangayang pulitika.

Bitbit nila ang mga streamer na naglalaman ng panawagan sa pamahalaan na igiit ang karapatan sa West Philippine Sea.


Kabilang sa nakibahagi ay ang Blessed Movement sa pangunguna ng kanilang presidente na si Herbert Martinez, ang United Muslim Leaders of the Philippines sa pangunguna ng kanilang National Secretary na si Alex Hadji Jamel, gayundin ang grupong One Movement.

Inaasahang aabot sa tatlong libo ang magtitipon tipon ngayong hapon sa People Power Monument.

Ayon Waida Umpar, magsasagawa lang sila ng prayer activity upang ipagdasal ang pagkakaisa sa bansa.

Hindi umano sila bayaran at kusa silang gumastos ng kanilang pamasahe makapunta lang sa people power bilang suporta sa pangulo.

Facebook Comments