Mga probinsya, makakatanggap ng malaking alokasyon ng bakuna sa Septyembre

Asahan na ang mas maraming alokasyon ng bakuna kontra COVID-19 sa mga probinsya sa susunod na buwan.

Ayon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa 25 million doses ng bakuna ang inaasahang darating sa bansa sa Septyembre.

Pinakalamalaking bahagi nito na mahigit 3 million doses ay mapupunta sa Region 4-A o Calabarzon.


Mabibigyan din ng malaking alokasyong bakuna ang Region 3 o Central Luzon at Region 6 o Western Visayas.

Para naman sa buwan ng Setyembre ay sinabi rin ni Galvez na nasa mahigit 950,000 doses ng bakuna lamang ang alokasyon para sa Metro Manila.

Facebook Comments