Mga probisyon sa mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, patuloy na nagbabago at pinag-aaralan – PBBM

Nagpapatuloy na nasa ilalim ng evolution ang mutual defense treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa harap nang maraming mga pagbabago ngayon.

Marami aniyang mga panukala at kahilingan mula sa Estados Unidos lalo na sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA kaya lahat ng ito aniya ay pinag-aaralan.


Ito ay para makita kung alin-alin ang pwedeng ipatupad at ano ang pinaka may pakinabang para sa pagdepensa sa teritoryo ng bansa.

Ayon sa pangulo, ang bagay na ito ay napag-usapan nila kamakailan ni US Vice President Kamala Harris sa pagbisita nito sa bansa.

Kabilang aniya sa mga iminungkahi ng Amerika ay ang joint exercises, EDA, ang paggamit ng ating mga base militar, at ito ay patuloy nilang pinag-aaralan.

Sinabi ng pangulo, posibleng sa unang yugto ng taon ay may kongkreto na silang napag-usapan na posibleng maibahagi sa publiko.

Facebook Comments