Mga problema sa MRT at LRT, sinita sa pagdinig ng Senado

Nasita sa ginawang pagdinig ng Senado ang mga sangkaterbang problema sa mga istasyon ng Metro Rail Transit o MRT at Light Rail Transit o LRT.

Nauna nang nagsagawa ng inspeksyon dito si Senator Raffy Tulfo at ipinaabot ng mambabatas sa mga kaukulang ahensya ang mga napansing problema at mga kakulangan.

Ilan sa mga napuna ng senador na problema sa ilang MRT at LRT stations ay ang kakulangan ng beep cards sa ticket vending machines (TVM) at ang hindi pagtanggap ng mga TVM ng polymer na pera na nagiging sanhi ng mahabang pila.


Dagdag pa rito ang kakulangan ng signage sa connecting stations, at ang hindi maintindihan na Public Address (PA) System ng MRT dahil garalgal ang speaker.

Agad na pinareresolba ni Tulfo sa mga tanggapan ng Department of Transportation (DOTr) na in charge sa MRT at LRT ang mga napansing problema.

Inobliga niya rin ang ang mga opisyal na magsagawa ng regular na inspection sa MRT at LRT stations para sila mismo ang makakita sa problema at solusyunan ito agad.

Facebook Comments