Tiniyak ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson at ng kaniyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na masusing pag-aaralan ng Senado ang lahat ng mga problema ng mga bus operator at driver sa bansa.
Sa isinagawang konsultasyon sa mga bus operator at driver, iniisa-isa ang kanilang problema kabilang ang mabagal na proseso sa pagkuha ng prangkisa.
Idinulog din nila ang problema sa ayuda kung saan lahat dapat ng PUV at PUB ay mabigyan ng ₱5.58 billion pero ang problema ay nasa implementasyon ng Ehekutino.
Nasilip din ang problema sa usapin ng modernisasyon na dapat din pag-aralan muli ng Senado dahil kung hindi dumating ang pandemya ay maaari umanong i-phase out ang naturang isyu.
Tinalakay rin ang problema ng JAO 2017 kung saan nai-akyat na ito sa Korte Suprema.
Naniniwala si Lacson na dapat mayroon transisyon para sa usapin ng phase out na mahigit 15 taon at dapat masusing busisiin ang nasabing usapain gayundin ang datos kung ilan ang maapektuhan na mga operator at driver.
Tiniyak din ni Lacson na sakaling siya ang magiging pangulo ng bansa ay mawawala na ang kotong sa lansangan.
Giit naman ni Senador Sotto, dapat bigyan ng budget ang mga probinsya para hindi magsiksikan sa Metro Manila ang mga tsuper.