
Opisyal nang binuksan ang Likhang Filipino Exhibition Halls, na isa sa mga tampok na lugar na maaaring pasyalan ng mga dadalo sa ASEAN Summit ngayong taon.
Ang pasilidad ay ipapakita sa mga dayuhang bisita at dignitaryo na lalahok sa mga pagpupulong ng ASEAN.
Tampok dito ang iba’t ibang produktong gawa ng Pilipino tulad ng home and lifestyle items, fashion at accessories, tradisyunal na sining at handicrafts, pagkain at inumin, pati mga produktong pang-wellness.
Ang proyekto ay pinangunahan ng Office of the President sa pamamagitan ng Center for International Trade Expositions and Missions o CITEM, na layong itampok at suportahan ang mga de-kalidad na produktong Pinoy.
Matatagpuan ang Likhang Filipino Exhibition Halls sa Roxas Boulevard, Pasay City, sa dating Philtrade Center.
Bubuksan ito sa publiko sa Martes, Enero 20










