
Aabot sa 200 tauhan ng Civil Disturbance Management Unit (CDMU) ng Manila Police District (MPD) ang kasalukuyan nakapwesto sa Liwasang, Bonifacio.
Ito ay para magbigay seguridad sa gagawing pagdiriwang ng mga tagasuporta ni dating Pangulong Duterte para sa kanyang ika-80 kaarawan.
Ayon kay PLt.Col. Nelson Cortez, hepe ng MPD Station-5, may impormasyon kasi sila na magkakaroon ng pagkilos ang mga kritiko ng nakalipas na administrasyon.
Hangad ng MPD na maiwasan ang girian ng magkabilang panig lalo na kung magsasabay ang pagkilos o program ng mga ito.
Bukod sa pulisya, dalawang truck din ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang nakaantabay para sumuporta sa mga pulis.
Bukod sa Liwasang, Bonifacio, kasama rin sa mga binabantayan ng MPD ang Mendiola, Paco Arena, paligid ng Malacañang at US Embassy.