Naglatag na ng listahan ng programa at aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP) kasabay ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month ngayong Marso.
Sa interview ng RMN Manila kay BFP-NCR PIO Senior Inspector Anna Rizza Celoso, kasama sa mga inihahandang aktibidad ay ang pagkakaroon ng programa sa ilang telebisyon at radyo upang talakayin ang iba’t ibang paraan ng pag-iingat sa sunog.
May mga patimpalak din aniyang inihahanda na layong mahikayat ang mga Pilipinong maglibang kung saan ilan dito ay ang; Photography Contest, Video Contest, Short Film Writing at iba pa.
Maliban pa sa mga ito, sinabi rin ni Senior Inspector Celoso na magkakaroon din sila ng programa na manghihikayat sa mga pribadong kompanya kung may sunog na magaganap.
Facebook Comments