Dapat pa umanong palawigin ng pamahalaan ang mga programa at proyekto na para sa mga mahihirap na Pilipino ayon sa ilang Pangasinense.
Saad ng ilang nakapanayam ng IFM Dagupan news team, naging epektibo naman umano ang ilan sa mga programa at proyekto na inilunsad ng pamahalaan tulad ng pagpapataas ng kakalsadahan para sa ikagiginhawa ng mga motorista at komyuter.
Ang iba naman sinabing hindi nila umano naramdaman ang ilan sa mga programa ng gobyerno dahil hindi sila umano nasama sa kahit alin man sa mga ito.
Ngunit may iba rin naman na nagsaad na naramdaman ang mga benepisyong handog ng Pamahalaan matapos mapili bilang benepisyaryo.
Ang hiling lang nila ay magtuloy-tuloy pa umano sana ito at mas palawigin pa upang hindi lamang iilang pilipino ang makikinabang bagkus lahat na na nangangailangan ng tulong at oportunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨










