Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa Department of Health Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) na palakasin ang mga programa laban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ito ay sa harap ng dumaraming kaso ng hiv sa bansa kung saan sa pagwawakas ng 2019, ay umaabot sa tatlumpu’t anim (36) na kaso kada araw ang naitala ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH).
Base sa isang ulat ng Joint United Nations Program on HIV and AIDS (UNAIDS) sa pitumpu’t pitong libong (77,000) ng mga Filipinong may HIV, ay labing-siyam na libo (19,000) rito ay may edad na labinlima (15) hanggang dalawampu’t apat (24).
Ayon pa sa UNAIDS, pinakamabilis kumalat ang HIV sa Pilipinas kung ihahambing sa ibang bansa kung saan sa mga bagong kasong naitala, ay mahigit walumpung (81) porsyento ay mula sa mga lalaking nakikipagtalik sa kapwa lalaki.
Sa tingin ni Gatchalian, isa sa mga ugat ng mabilis na pagtaas ng HIV cases sa pilipinas ay ang kakulangan ng sapat at tamang impormasyon na maaari sanang ipalaganap sa mga paaralan at sa social media.