MGA PROGRAMA NG LTO REGION 1 PARA SA PAGPAPANATILI NG ROAD SAFETY, MAS TUTUTUKAN; OPLAN LIWANAG, ILULUNSAD

Inihahanda na ng tanggapan ng Land Transportation Office o LTO Region 1 sa pamumuno ni Regional Director Danny Martinez ang ilan sa mga programang target mapromote ang road safety sa mga motorista at mga nagmamaneho ng sasakyan.
Kinabibilangan ito ng Oplan Liwanag na pinaghahandaan na ang paglunsad nito sa buong Rehiyon Uno.
Ayon mismo sa RD na nakakapagtala umano ang awtoridad ng nasa tatlumpu’t dalawa na kaso ng road accident araw araw at 50 percent dito, sangkot ang mga motorsiklo dahilan ang ilang mga lapses o kakulangan ng mga kagamitan na dapat ay taglayin ng minamanehong motor.

Tulad ito ng hindi pagkakaroon ng ilaw sa harapan, bunsod nito ang madalas na insidenteng head on collision sa mga kakalsadahan.
Tututukan din ang ilang pang mga programa na may layong mapanatili ang kaligtasan at mabawasan ang mga disgrasya sa mga kakalsadahan tulad ng traffic management strategy, ang ilulunsad na Region Juan The Best at iba pa.
Kaugnay naman sa mga tiwaling mga enforcers at kawani ng ahensya, pagtitiyak ni RD Martinez na gagawin nila ang nararapat na hakbang para hindi matolerate ang mga ito sa maling pamamaraan sa mga batas trapiko. |ifmnews
Facebook Comments