Mga programa ng OVP sa pagtugon sa COVID-19, pansamantalang itinigil habang hinihintay ang desisyon ng COMELEC

Sinuspinde muna ng Office of the Vice President ang kanilang mga programa kaugnay sa pagtugon sa COVID-19.

Ito ay habang hinihintay pa nila ang desisyon ng Commission on Elections kung papayagan pa rin na magpatuloy ang pandemic response sa kabila ng pagsisimula ng campaign period.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na hiniling nila sa COMELEC na i-exempt sa election ban ang tatlong programa nila na Bayanihan-E Consulta, Vaccine Express at Swab Cab.


Ayon pa kay Robredo, kapag pinayagan sila ng COMELEC ay hindi siya sasama sa ganitong programa ng OVP upang hindi mabahiran ng pulitika.

Facebook Comments