MGA PROGRAMA NG SISON PARA SA NALALAPIT NA PAKIKIISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL WOMEN’S MONTH, PINAGHAHANDAAN NA

Puspusan na ang paghahanda ng lokal na pamahalaan ng Sison sa mga programang gagawin para sa nalalapit na pagdiriwang ng National Women’s Month.
Tinitiyak ng lokal na pamahalaan na magkakaroon sila ng mga makabuluhang programa para mabigyan ng pagkilala ang mga kababaihan sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng bayan.
Tinalakay ang preparasyon sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga opisyales ng bayan at iba’t ibang kinatawan mula sa national agencies at department heads.

Buo naman ang suporta ng alkalde ng bayan sa pagsusulong ng mga proyekto at programang kung saan may layunin na mapabuti ang sitwasyon at kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang bayan. |ifmnews
Facebook Comments