Inihayag ng pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) na sinimulan na ng gobyerno ang pagsusulong ng mga programa na magpapalakas sa kakayanan ng bansa sa pagtukoy ng mga virus at paggawa ng kaukulang hakbang para labanan ito.
Ayon kay DOST Usec. Rowena Guevara, hanggang hindi pa umano naisasabatas ang paglikha ng batas para sa pagtatag ng Virology and Vaccine Institute of the Philippines ay dapat na maisulong na ng pamahalaan.
Paliwanag ni Guevara na kabilang sa katuwang ng gobyerno sa anim na programa ang Baylor College of Medicine sa Amerika, St. Luke’s Medical Center at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na tututok sa mga virus sa tao, hayop at mga halaman at pagsasaliksik sa pagtukoy, paggamot at mga bakuna sa mga virus.
Dagdag na P284 ang pondong inilaaan para dito.
Giit ni Usec. Guevara na kabilang sa pag-aaralan ay ang virus na nagdudulot ng African Swine Fever (ASF) na tumama sa mga baboy sa bansa.